8.31.2009

"A letter from one of the forensic experts who examined Ninoy Aquinos’ remains"


I browsed the web earlier this morning and I came across http://www.brownseo.com, where I found a nice article authored by SEO Philippines. The article was "A letter from one of the forensic experts who examined Ninoy Aquinos’ remains". I was curious of it. So I read it. I want the world to know how Ninoy was killed - in such way, justice will be acquired by his family and the nation in general.

Below is the letter from forensic experts. I hope you'll read it. Thanks.

 = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

Nitong nagdaang linggo ay naging maugong muli ang usapin kung sino nga ba talaga ang bumaril kay  Ninoy, saan binaril at sino ang utak sa pagpaslang…

Noong 2004 ang grupo ko sa forensic ay kinausap ng hepe ng PAO na si Hepe Persida Acosta upang pag-aralan ang mga ebidensiyang forensico na iprenisinta sa paglilitis. Ang lahat larawan, documento, mga TSNs, baril ay muli naming pinag-aralan. Pumunta din kami sa airport para bisitahin ang tarmac at gumawa ng pag-aaral kung ilang segundo ang magagamit sa pagbaba sa hagdan ng eroplano, mabilis, katamtaman at mabagal… gumawa ng re-enactment, binisita namin ang mga sundalong nakapiit sa NBP, gumawa ng test firing experiment atbp… binisita din namin si dr, Munoz ang gumawa ng autopsy, pero di siya nakipag-usap.



Ang aming report ay ginamit ng PAO sa kanilang mosyon sa Supreme Court para muling buksan ang kaso… dalawang beses itong hindi pinayagan…



Ano ba ang aming mga findings: Mga susing findings lang ang ibabahagi ko:

1) Sa tarmac at hindi sa hagdan binaril si NInoy: walang dugo sa hagdan o sa baba ng hagdan; nasa tarmac malapit sa van ang dugo, kanan si Moreno, sa kaliwang likod ng tainga (mastoid) ang tama ni Ninoy; walang dalang baril si Moreno; Ilokano si Moreno; walang Bisaya sa mga escort; kung baba ka sa hagdan na mabagal, sa loob ng sampung segundo ay nakababa ka na sa hagdan at mga 5 hakabang ka na mula sa hagdan.



3) Trajectory: hollow point ang ginamit na bala; nabibiyak ito pagtama sa target – pagtama sa mastoid ni Ninoy nahati-hati ang bala na may dalawang malaking fragments, pataas, paharap at pakanan ang takbo ng mga fragments; ang isa ay nabaon sa kanang temporal; ang pangalawa ay tumama sa petrous bone at nabago ang direksyon, bumaba sa baba. Ang presentasyon noon ay tuwid ang landas ng bala mula likod papunta sa baba, tinamaan ang petrous bone pero pinalabas nina Solis na ang buto na ito ay cartilaginous kaya walang deflection;



4) Buhay si Galman, di siya malamig na bangkay na dinala sa tarmac, dinala siya ni Martinez; pagkabaril niya kay Ninoy ay niwrestling siya ng isa sa escort ni Ninoy (de Mesa) dahil wala silang baril, inagaw ni De Mesa ang baril ni Galman; 0.45 ang tumama sa ulo ni Galman, may tissue reaction ang tama at duguan si Galman sa Tarmac. Ang back-up ni Galman ay si Martinez, kung hindi nagawa ni Galman na patayin si Ninoy, si Martinez ang gagawa.



Sino ang utak? Malamang mga taong manganganib ang mga position o interes sa pagbabalik ni Ninoy.



Kailan maituwid ang kasaysayan, hindi ito para sa pamilyang Aquino, para ito sa sambayanang Filipino sa ngayon at sa mga susunod pang henerasyon; kailangan nating malaman ang katotohanan.

Muling buksan ang kaso!


Dr. Benito E. Molino

2 comments:

Yep, Ninoy is the greatest president we never had. So kung ako ang tatanungin, "Noynoy for President sa 2010!"

This comment has been removed by the author.